Habang nakatitig ako sa orasan at naghihintay ng pagbagsak ng isa na namang segundo sa orasan, hindi ko maiwasang mapaisip sa mga pangayayari ngayon sa aking buhay. Tulad ng orasan, unti unting nauubos ang oras ko. Unti unti akong lumalapit sa takdang sandali ng aking pamamaalam sa mundong ibabaw.
Teka, ilan pa nga bang oras, araw, linggo, buwan o taon ang nalalabi para sa akin? Meron bang nakakaalam? Wala. Wala nga ba? Kung magbaril kaya ako ngayon ng ulo ko. Hmmm . . . wag na lang masyadong makalat tsaka maingay. Siguro eh mas mainam na lumaklak na lang ako ng lason. Walang kalat, wala ding ingay. hindi pa naman masyadong nagtataas ng presyo ang Zonrox ngayon di ba?
Naniniwala ako na lahat ng tao ay nakaisip na minsan na tapusin ang kanilang mga buhay. Kanya kanya ng dahilan - merong mababaw, merong malalim, merong pwede na rin. Ayon sa survey, mas marami daw ang matatandang nagpapakamatay kumpara sa mga mas nakababata [na katulad ko]. Mas mataas din daw ang porsyento ng lalaking nagpapakamatan kumpara [syempre] sa mga babae. [Ang mga bakla ay kasama sa mga lalaki]. Kung tutuusin, hindi talaga malayo sa katotohanan ang mga resultang ito. Sa ilang mga kakilala ko kasi na nagpakamatay, napansin kong ang pangunahin nilang katangian ay ang pagiging mapag-isa. Yun bang tipong hindi mo mapapaglabas ng problema kahit lumuha ka pa ng dugo sa harapan nila. Gusto palagi sa kanya lang ang problema. At may ganitong klaseng ugali ay kadalasang mga lalaki. Mas mahalaga pa ang ego kesa sariling buhay. Mga lalaki nga naman oh. Tapos may narinig din ako, nung minsang may nagbigti sa amin sa probinsya, least likely daw na magpakamatay yung mga taong marunong makipaginuman [ng alak]. Sa inuman daw kasi, nakakapaglabas ng sama ng loob ang mga lalaki. Nagiging malambot na nene ang astiging maton kapag nalalasing na. Ang mga bagay na hindi masabi-sabi kapag matino ang pag-iisip, nalalabas kapag sumipa na ang pulang kabayo. tama nga naman. Ganito kasi ako nung minsang, ahm. ahm. basta yun ;)
Kung magpapakamatay ako, gagawin ko yun sa kaparaanang matutuwa ang bawat makakita. Yung tipong maiinspire sila na ahm, ahm, teka bakit ba ko napunta sa usapang pagpapakamatay. Gusto ko lang namang talagang magpatay ng oras kasi super high availness na namna sito sa trabaho. Ipopost ko na ang entry na ito bago pa ako mahuli ni Mariah.
Eksayted na ko para mamaya. 4 na buwan na tayo mahal ko! Happy apat!
Friday, February 6, 2009
Killing Me Softly
Posted by timmy 0 comment/s
Labels: uncategorized
Friday, January 23, 2009
Buntong hininga
Letsugas na sched yan. Parang ayaw ako bigyan ng pagkakataong makatanggap ng extra pay ah.
Posted by timmy 0 comment/s
Labels: uncategorized
Tuesday, January 20, 2009
Bad day
Kanina, hindi ako late sa trabaho pero pagbukas ko ng computer dun na nagsimula ang mga ekplosibong rebelasyon!
Una, nakareceive ako ng Action Form saying: Employee 349738 missed 6.41% (34.60 minutes) of scheduled shift due to Intrashift Gap. Watda! I adhered naman to the schedule and even logged in earlier and yet, their giving me this? This is ridiculous!
Next, nareceive ko ang una kong 0.00 score sa QA. Hindi daw ako nakapagverify ng maayos. Lahat ba talaga kelangang mabigyan ng QA with autofail? Naman yan! =/
Tapos, nagcheck kami ng salary coz its payday today. And guess what? I have the lowest salary of them all. Of course, I will not be mentioning the figures as it is really low. (Whose fault?) And to worsen the case, my teammate received almost double of what my salary is. (isa pang Watda!)
Fourth, my supervisor called my attention to tell me that a grievance was filed against me. Though, our ACM assured that the fault was not commited on my end, the very news made my countenance sad, so sad. =(
At kung akala mo tapos na ang series of very unfortunate events ko kaninang umaga, aba, nagkakamali ka. Nagkombulsyon pa ang tyan ko. Palibhasa hindi ako nakapagbawas kanina bago ako umalis ng bahay. Aba eh nasa call ako nang biglang kumulo ang tyan ko at alam mo naman siguro ang feeling nun. No need to expound on this. Grrrr!
Buti na lang at nangtreat si James sa Yellow Cab tsaka super avail pa rin. Kahit papano ay may consolation sa very bad na umpisa ng araw ko.
At syempre nakita ko kanina ang mahal ko in her most beautiful gown. Kaya kahit sunod-sunod ang bwisit news kanina pagpasok ko dito sa office, nakuha ko pa rin silang ngitian lang lahat. Hmmp, keri lang. ;)
Posted by timmy 1 comment/s
Labels: uncategorized
Monday, January 19, 2009
Isa pa, isa pa!
PAHABOL:
Happy birthday kay kumareng Shiela Tarriela! (hindi ko sure kung ngayon nga birthday niya pero, happy birthday pa rin). Charing! ;)
Happy Fiesta kila Jitz at Anna, mga kaibigan ko sa Tondo! Sensya na po kung hindi nakapunta. May trabaho po kasi eh. Next year po siguro. lol
Condolences to the family of Odyssy Pastrana whose father died last January 1!
Happy anniversary to Alen and Roi last Jan 9! Wish you guys the best! Love each other more!
And Merry Christmas and a Happy New year to all (super belated, super advance) lol!
Posted by timmy 0 comment/s
Labels: additional
Kumusta naman ako?
Petiks sa trabaho, makagawa nga ng blog entry ;)
Ilang linggo na rin kasing super nilalangaw ng blog ko. Wala na ngang naliligaw, este bumibisita, hindi pa ako nagpopost man lang ng kahit korning entry lang. Palibhasa siguro may pinaglilibangan ako ngayong mas enjoy gawin kesa paggawa ng blog entry. lol
Balak ko sanang gumawa ng yearender entry pero naburaot ako matapos ang dalawampung minutong pagtitig sa monitor ng computer na walang nasusulat noong mga huling araw ng nakaraang taon. Itinigil ko ang pagtatype at kumain na lang ako ng hapunan tapos natulog dahil kinabukasan e may pasok na ulit sa trabaho.
------lol------
Dalawang buwan na ako sa TP. Sino magaakalang dito din pala ako pupulutin sa (akala ng marami ay) english-only speaking industry? May tatlo akong rason kung bakit ko pinatos ang trabaho bilang call center agent (CSR). Una, dahil super frustrated na ako talaga sa kakahanap ng hospital job. Biruin mo ba namang halos lahat na yata ng hospital sa Metro Manila ay natawagan o napuntahan ko na pero uniform lahat ng sagot nila: wala pong opening. Pangalawa, pagod at nahihiya na akong umasa sa magulang sa aking pinansyal na pangangailangan. Isang taon na akong graduate pero tulog lang ng tulog sa bahay, patext-text, naghihintay ng buwanang padala ni nanay. Kasawa ang ganung buhay, kahiya. Pangatlo, ay dahil sa girlfriend ko. Dahil sa kanya namotivate akong humanap ng trabaho. Hindi ako pwedeng manatiling bummer tapos siya nagtatrabaho. Tsaka ego na rin siguro ng lalaki, machismo ba.
At sa dalawang buwan ko dito sa mundo ng mga hindi daw natutulog (pag gabi), sus, super dami ko nang natutunan at mga na-unlearn (anu ang english sa unlearn? kinalimutan?) na bagay.
Unang-una kong natutunan ay ang pagpapahalaga sa mga relationships. Oo, alam kong hindi sya masyadong related sa work pero ewan ko ba, kung bakit isa ito sa mga bagay na unang itinuro sa akin ng pagkakaroon ko ng trabaho (first job). Simula kasi nung magstart ako sa trabaho, malaki ang naging pagbabago sa schedule ko sa bahay, sa simbahan, sa kaibigan, at sa iba pang mga relationships. Nung unang buwan, graveyard shift ang training kaya pag-uwi ko sa bahay, kama kagad ang una kong hinahanap (kahit wala nang kain-kain). Tapos gigising ako ng hapon na, maghahanda para sa panibagong shift na naman o kaya e ihahatid ko si hon sa trabaho kapag closing ang shift nya (1pm-11pm). Hindi na ako nakakapagluto ng pagkain naming magkakapatid. Bihira na din akong makipaglambingan sa kapatid ko na dati nung wala pa akong trabaho eh halos araw-araw naming ginagawa. Simula din nung magkaron ako ng trabaho, madalas na akong absent sa mga activities sa church (regular services, meetings, simple gatherings, etc.) Wala na rin yung dating text all day galore ;(
Pangalawa kong natutunan ay ang magpahalaga sa pera (lalo na yung pinagbuwisan mo ng puyat at pagod). Tumataginting na Php 606.00 ang una kong sweldo (with emphasis sa Php). Nagstart kasi ang training namin e last day ng cut-off kaya ayun one working day lang ang nabayaran sa 'min sa unang payday (Nov 20). Dalawang araw ko siyang hindi ginalaw. Kinalingguhan (Sunday) ko pa lang siya binawasan. I separated the 10% for the Lord and put it in the red-colored bag. The remaining 90% of my salary, I handled it to my mather. For the next two pays, I was able to save. But come Christmas season, ubos din lahat. I go here and there, eat here and there, give gifts here and there. That was my way of treating my self and enjoying the fruit of my labor. And as of today, hindi ko pa rin madisiplina ang sarili ko na magtago ng part ng sweldo ko for savings purposes. I think ganun naman talaga, hindi madaling magsave ng pera lalo na kapag single ka and first job mo, ayt? At least, I'm learning the value of having an amount of money in your hand after laboring hard for it.
Sunod na lesson na natutunan ko ay ang makisama sa mga tao sa trabaho. Makipagsabayan sa sistema ng trabaho. Though, hindi ko naman ginagaya/sinasabayan lahat ng meron sa call center industry (i.e., smoking). I learn to eat lunch at fastfoods. I learned how to treat your supervisors the 'right' way. I learned how to have fun with my co-agents (specially during avail times of 2 hours lol). I learned how to put aside my mahiyain side and expose my somehow confident and outgoing personality. lol ulit. Now, I have nice cool new found friends here at TP-Wellcare: JameBond, Ken, Rose, MommyMines, (Sup)Edden, and our pretty supervisor Erich (real name: Jerico).
There are also some (not so) bad things that I've been learning here sa work. Number one would be surfing the internet during office hours (just like what I'm doing right now, lol). Another would be not eating on the regular hours (brunch: 9AM, dinnack: 5PM). I usually eat only twice in a day. At ang isa pang masama sa trabahong call center ay ang pagiging deprived palagi sa tulog. 2-3 hours na lang ang average sleeping hours ko per day; 5 hours at maximum. Pero in fairness, tumataba pa daw ako according to some few friends na nakakita sa kin kahapon. Hiyang sa puyat? Medyo babawasan ko pa nga ang sleeping hours ko next month pra mas magkalaman pa ko. lol.
------lol------
And oh yes, I am now in a relationship. Oo, may girlfriend na si Timmy. Since last October 200* pa. And her name is RAQUEL. I'll not be including the last name for security reasons. lol. As if no one really knows her, e most of the people who once in a while read my blog, know her already. lol ulit.
I don't wanna go through the details of how we became WE because it's quite complicated (excuses of people who hide something). The more important thing, I believe, is that she told me (and I'm fully persuaded) that she loves me so much and that in my heart and in my soul, I do love her too. Dramaness ever! lol.
Siya ang isa sa mga pinakamagandang nangyari sa buhay ko (another cliche). Kahit na alam namin parehas na may mga nakakalimutan na kaming responsibilidad ngayon, hindi ko maitatangging masaya ako kapag magkasama kami, kahit nung una ay madalas kaming mag-away sa maliliit at super petty na mga bagay. Nakakayakap at nakakakiss ako sa kanya kahit sa gitna ng maraming tao (which, before, I never imagine I can do to a girl). Ansaya namin lalo nung New Year. I carried her in my back while running tapos nung napapagod na ko, binaba ko siya at niyakap niya ako. Hmmm, sweetness! One of our bonding time together is eating. Kapag kumakain kami, palagi niya munang tinitikman ang pagkain ko bago ako sumubo. Para daw kapag may lason yung food, siya mauunang malason. Ayos!
Our relationship had gone through a lot of testings and trials. A handful of crying moments. Frequent attempts at breakup during the first few months. Mga magulang na hindi pabor sa relationship namin. Mga tao sa paligid na madalas kaming i-chismis (to the point na may personal pa daw nagpunta sa ama ni Raquel para lang sabihing magpapakasal na daw kami, WTH!). And the greatest challenge to our realtionship, so far, is the past relationship that she had. The guy can't seem to move on. And sometimes, to be honest, I feel ganun din si Raquel.
I have all the reason in the world to call an end to our relationship. But I still choose to look on the slimest possibility that one day, maybe one day, things might work out well for us all. I'm not sticking to the relationship just because I am afraid of hurting her. I'm sticking to my promise of forever, plainly and simply because I LOVE HER SO MUCH!
The world may not accept what we have, against all odds ika nga, but I don't give them a damn. I am a man of free will. And I am mature enough to face whatever consequences my decisions might produce.
I thank all of those people who care enough to give me a pat on the back or even a simple but sincere 'kumuta ka na?'. My appreciation to you all. And to those people who probably know what I am undergoing right now but chose not do a thing, thanks also. People just reap what they have sown in the past. I might be reaping mine during these days.
The last two paragraphs obviously tells you I am in a not so good situation right now. Though I can always manage to project an image that everything's OK. lol.
In conclusion to this mahabang entry, palagay ko e patuloy ko lang na natutunan kung ANU NGA BA ang buhay. At kung panu harapin ang bawat yugto nito. Makulay ang buhay, sabi nga ng isang commercial. At totoo, makulay ang buhay, kung bukas ang iyong isipan sa lahat ng posibilidad na dala nito. Tuturuan ka mismo ng sarili mong karanasan ng mga aral na kailanman ay hindi mo matutunan kung hindi mo susubukan ang mga bagay na madalas ay iyong kinakatakutan.
I still believe that better things are yet to come, with or without the people you want in your life! Because in reality, people come and go. Learn to value each moment that you will be spending with them. And do the same with every blessing that you will be receving. Always say thank you! Never deprive somebody of your appreciation. Say sorry, but always make sure you mean it.
------lol------
Ooops, back to reality. Napasobra na naman ang pagsesermon ko. E ako naman ang unang-unang tinatamaan ng mga pinagsasabi ko. Haaay, anyway, I will go on avail na nga ulit. 'Til next time. :)
Posted by timmy 1 comment/s
Labels: career, emotes, family, friends, heart issue, personal, relationships, society
Saturday, December 27, 2008
Malakas na malakas
You have seen the warning but you didn't heed any of them.
Kung may mali man ako, alam ko naman yun eh. Mas pinipili ko lang talagang ipagpatuloy, hindi ang mali, kundi ang proseso. Gusto kong makita ang dulo ng lakbaying ito. Gusto kong itama ang lahat ng mali habang patuloy akong naglalakbay. Pinasok ko ang lakbaying ito at my own risk. Sabik na akong makita ang dulo.
Sa sandaling panahon na ako ay naglakbay, napakarami ko nang nakita at naranasan pero mukhang konti pa lang ang natutunan ko, kaya gusto ko pang sumige hanggang sa matutunan ko ang dapat kong matutunan sa yugtong ito ng aking buhay.
Madami ang patagong nagtatanong kung anu na ang nagyayari sa akin, pero wala namang maglakas ng loob na hanapin ako. I'm not bitter, because I believe that I do deserve this.
There is good in goodbyes and sunset will always be more colorful than the sunrise.
Posted by timmy 0 comment/s
Labels: uncategorized
Saturday, December 6, 2008
Ikalawa.
Ikaw lang ang nagbibigay sa akin ng dahilan para ikonsider ang aking sarili na may kwenta. Pakiramdam ko lahat sila, maliban sa'yo, ang tingin sa akin, walang kwenta, dahil ito ang pinili ko. May mga pagkakataon pa ngang napapaniwala ko na rin ang sarili ko na wala nga akong kwenta. Pero ikaw, mas pinili mo ako sa kabila ng pagiging wala kong kwenta.
Ikaw ang dahilan ng aking pagngiti sa umaga, kahit na minsan ay ikaw din ang dahilan ng aking pagtangis. Ikaw ang nagpipinta ng makulay kong maghapon, iba sa nakasanayan kong itim at puti. Ikaw ang dahilan kung bakit ngayon ay naniniwala na ako sa sinabi ng commercial na 'makulay ang buhay' (kahit na walang sinabawang gulay).
Ikaw ang dahilan kung bakit ngayon ay naniniwala akong matanda na ako para pangunahan sa paggawa ng desisyon sa buhay. Hindi dahil wala akong respeto sa mga mas nakatatanda sa akin, kundi dahil, ako sa sarili ko ay matanda na nga rin. Ikaw ang dahilan ng eksaytment ko sa tuwing lalabas ng aming tarangkahan.
Ikaw ang dahilan kung bakit may 'tayo'. Ikaw ang dahilan kung bakit ako ngayon nagmamahal. Dalawang buwan na rin pala ang lumipas, maligayang bati, hon!
Posted by timmy 3 comment/s
Labels: relationships